Wicked Wicked Wicked

October 13, 2007

friendster

Filed under: Uncategorized — Antz @ 11:02 pm

Wiz ko knows kung ang Friendster ay isang biyaya o isang sumpa. Kasi syempre, like all desperate housewives, mega check ko ever ang profile ni Mr. McDreamy divah, at wag ka! Meron syang profile! Akala ko kaze na wala sya masyadong cares sa mga ganitech na friendster-friendsteran. Kaso imberns ang lola nyo dahil syempre naka-private ang profile! Alam atang meron syang stalkera for the last 12 years! My gulay, has it really been that long?? Twelve years ??? Pero heto ako’t lagi pa rin syang laman ng aking (wet) dreams. Ahihihih!!! Joke!!! Hindi naman wet, pero totoo, hanggang ngayon napapanaginipan ko pa rin ang lolo nyo. At ang dreams ko eh yung tipong finally he comes around, and gusto na nyang friendly friends ng lola nyong tarush at tenth floor ang kilay. Last night, ang dream ko eh syempreng dalaga pa talaga akez, at sya naman eh talagang mega-plano ng trip out of town kaming dalawa lang habang winter dito sa US. Di vah?? Winter, kasagsagan ng lamig, at kaming dalawa lang sa tipong cabin in the woods?? Wish ko lang…

Ayaw ko na ata sa friendster, baka bigla kong ma-hit ang “Send a message” o kaya eh “Request to be friends” na link, at mabuko na hanggang sa friendster eh sinusundan ko pa sya. Wiz ko nga knows if knows pa nya ako, o pinilit talagang kalimutan na. Pag kinalimutan nya ako, subukan lang nya!! Kuko lang nya ang walang pasa (o chikinini.. eeewww!!!) pag nagkataon!!!

What do you think? Friendsterin ko ba (knowing na ako eh may asawa na and stuff, and he knows my past with him – which is bading na obssessed sa kanya)???

Help!!!!

Powered by ScribeFire.

Advertisements

October 11, 2007

sorry

Filed under: Uncategorized — Antz @ 10:04 pm

my gulay.. it’s been so long since my last blog, and sa dami ng time na yun, may mga nag-comment sa blog ko. akala ko walang nagbabasa neto. kasi naman, ang una kong objective neto eh for selish reasons – gusto ko lang ng outlet. yun pala may iba ring interesado sa akin, o nasa parehong sitwasyon at naghahanap ng kapwa.

i’m sorry if i haven’t been updating this blog as much as i should. kasi divah, patago nga itu. eh lately di ako pwede mag-work from my pc, kasi iisa ang pc namin ni kumander, davah.. so baka mega buking akez. pero just you wait, i WILL find a way. because this is something special for me. and i hope as you get to “know” me, it will also be the same for you.

again, thanks for all your words of support.

carry on!!

Powered by ScribeFire.

July 27, 2007

Darth Vader itu!

Filed under: Uncategorized — Antz @ 2:09 pm

Madaming mega ask (oo as in madami, care nyo ba kung ilan.. hehehe..) why ako nagpa-carry over to the dark side. As in why ako tumikim ng poison, why ako nagpakasal sa mga kalaban. In short, kung blue blooded girl ako, bakit ako nagpaka-lesbyana at na-in love sa isang girlalu.

Well well well noelle, hindi itu madaling topic. Wala akong single reason why. Subukan ko, and all I can come up iz – na-in luv ang lola mo. Wirizima ko knows why, but nung na-meet ko itung girlalu, I really felt¬† I wanna be with her, not just yung tipong bading-girlfriend kinda way. Eh dagdagan mo pa na wa sya cares kung mega-pilantik ang mga pinkies ng lola mo. Mega-date date lang kami. Syempre, habang lumalalim ang relationship, davah dapat dumating yung point na prankahan na! So mega-amin akez ng aking past (and future? ahihihi! spank me!) life, and although nag-ala Enteng Kabisote (as in we butingting everything) ang lola ko for some time, eventually oks na sa kanya. O di ba, wa sya cares what I did before? Na-touch akez. Eto pa. Mejo ilang taon na din kami un, dumating itong boylet sa aking buhay. Nasa kanya lahat ng hinahanap ko sa boylet. Girlalu din sya, pero tulad kong discreet. Hindi closetta ha, discreet. Cute, may utak naman, may kinabukasan. In short, winner talaga. Eh na-feel kong type din nya ako. Grabe, wiz mo gusto malaman ang pinag-daanan kong emotional turmoil. Knows naman ni boylet ang aking situation, pero I told him I was willing to give up my relationship for him. Dito lumabas ang breeding ng boylet ko. Sabi nya ayaw nyang dahil sa kanya eh masira lahat ng ni-build ko with my GF. Alam naman daw nya na loves ko ang girl (to which I thought, semi-devilishly, eh kaya nga willing ako i-give up davah?? Di mo ba gets??), and mdami na kami pinagdaanan ni GF. Pero mega-semi-break pa rin ako kay GF. Mga ilang days/weeks ata yun. And ang mga BFF ni GF, na knows how bait I am, told my GF na seryoso na itu. Na hindi ako basta basta break without a serious reason. Pero habang break kami ni GF, wiz naman ako go out into the sunset holding hands with my boylet. Wiz. I just wanted time to sort things out. Yakapin ang pagkabading through and through, or kaya ko bang bading pero may GF? At one point, I thought if I went for GF, dine-deny ko ang aking sarili. But, eventually, I thought, hindi ko dine-deny ang aking sarili. I am just following my heart, da vah? I can be bading, but in love with a girl. And not having boylets is the same as kung may BF ako, and not having other boylets on the side, davah? It’s called fidelity, I believe.

So, mega-emotional usap kami nun ni GF, and I told her everything as in everything. Na bading akez, and I can’t change that. But I promise na I won’t act on it, meaning pag kami, watashing monkey business. Sya lang ang aking partner for life. And that’s all she wanted.¬† And I respect her for that, especially pinaglaban nya akez sa family nya, who at one point, told her face to face na bading ang BF nya. Ang saket, davah? Pero pinaglaban nya yun. Tingnan mo naman, vindicated ang lola mo. She has the most comfortable life sa ngayon among her mga shopatids. And magaganda ever ang mga junakis namin (who, contrary to what you might think, I won’t groom to be Ms. U). And I’m happy (except, as some of you might know from past posts, dumadating lang yung time of self-doubt, and kati. hahahaha!). I really am.

I think I see now vhakit nagpa-dark side si Anakin Skywalker.

April 26, 2007

tatay-ness

Filed under: Uncategorized — Antz @ 9:22 pm

ang hirap maging tatay. lalo na siguro sa sitwasyon kong andaming what-if’s.

syempre, stressed sa office, tapos since wala namang katulong, pag-uwi sa bahay, mega-asikaso pa din ng chores. plus spend quality time with your kids. and then, makakatanggap ka from time to time ng tawag na para kang ombudsman na tagatanggap ng reklamo, dahil yung asawa mo suko na sa mga anak mo. in furrnezz, nakakapagod din ang routine. masaya ang may inuuwiang anak at asawa. pero minsan, parang nao-overpower na ng daily grind.

especially since at the back of my mind, andaming could’ve beens. i could’ve been single and gay. akin ang oras ko, akin ang moolah ko. matutulungan ko ang mga gusto kong tulungan (shades of Pooh ba nagpapaaral ng mga boys? ahihihi!), mabibili ko ang gusto kong mabili. pwedeng magpakamot at mangamot, you only have to answer to yourself (and sa konsensya mo).

minsan (at dumadalas), napapa-isip ako. masakit aminin, pero naiisip ko if I made a mistake. dapat bang sinige-sige ko na at niyakap ang aking pagkabading at nagpaka-single for life na lang? but there’s too many happy times para magsisi ako. meron lang talagang times i feel so overwhelmed. and those are the times na parang gusto kong bumalik ng time, and change everything. gusto ko nang sumuko, sumigaw, lumayas, magmukmok, umiyak. Just once, gusto ko uling umikot ang mundo ko around me.

Pero may mga bata pang kailangang bantayan, mga boteng dapat linisin, mga kalat na dapat ligpitin, at mga damit na dapat labahan.

Saka na…

April 23, 2007

suko.. o subo?

Filed under: Uncategorized — Antz @ 4:34 pm

kwit kwitty kwittelya na ako… huhuhuhu..

punyeta, hindi ko na kaya!! ang gwapo talaga ni papa!! hindi ko na matiis!! dapat lagi nang may ready na panyo, sa laway kong laging tumutulo..

wait, rewind rewind rewind.. knowz ko na di nyo ma-getz! aru!

kasi naman, eh di new office, new people ang drama ko. maliit lang na kumpanya ito, well, at least dito sa office nila sa US. Siguro more or less 20 people. And karamihan puti, pero meron ding mga hindi maiiwasan na bumbeys, alam mo na, I.T. eh. Pero hayun na nga, karamihan puti. And yung isang puti, puting ina!!! Napapamura talaga ako. Hindi naman overpowering ang kanyang face value, pero cute din naman talaga. Tipong hindi lang mailalaban sa tipong Brad Pitt kung face value lang. Pero dahil athlete sya noong college (sa pag-Google ko nalaman itu!), and malamang continue sya sa paglalaro until this time and age, jusko, umaapaw ang sex appeal!! Lalaking lalaki ang bulas, ang ganda ganda ng tayo and pangangatawan.
 Tapos, syempre finally umiinit na dito sa US, so wala nang mga sweaters and cardigans and stuff, so pwede na polo-shirt lang. Pukpukelya, ang isuot ba naman eh yung mejo humahapit na polo shirt. Pag ako namatay at ma-reincarnate, gusto kong maing polo shirt. O briefs. Yakap (o pasan? Ahihihi!) ko ang mundo!!! Tapos naka-slacks, so hubog na hubog ang wetpaks, tapos ang ganda ng laglag ng pants. Tapos matangkad pa. Oh my gulay. Im going crazy. Call this kabaklaang walang kakwentang kwentang blog entry, pero I need to get this out of my system! Di ako makapagtrabaho. Gusto ko lang trabahuhin!!! GRRRRR!!!

Help!! I need some serious help!! Testosterone help!

April 11, 2007

skeyri!

Filed under: Uncategorized — Antz @ 7:02 pm

kaines!! watashiwa anato aishtemasu ko naman alam bakit ang LSS ko (last song syndrome for you, vhekles!) eh ang calssic at di mapantayang multong bakla. dahil ba ako’y bakla? wiz.. ganda ng logic.

(singit. bigla akong napakislot, lapitan daw ba ako ng bos kong puti! syempre amfanget na mega-immediate hide o minimize ako ng screen, lalong magdududa na may ginagawa akong kababalaghan, so dedma nang nakikita nya ang tina-type ko. mejo unnerving pa rin to have someone na nagbabasa ng blog mo na sinisigaw na bakla ka, although alam ko witchelles nyang naiintindihan. okie, keri on)

anywez, kung anik anik tuloy ang mga kamuni-kumuning mga pagmumuni ang pumasok sa aking isipan, umiikot sa konsepto ng multong bakla. o da vah? napaka-intellectually stimulating ng topic?

sino ang may sagot sa: ang multong bakla ba, ang unfinished business eh may koneksyon sa kanyang kabaklaan? ang haunting bang ginagawa nya eh bigla na lang may lilitaw na baklang nakaluhod/nakatuwad sa harap ng isang lalaki? hayok pa rin kaya sila sa hada? humahada ba sila ng kapwa multo?

tapos, bigla kong naisip, parang ang saya maging multong bakla. silipan ko ang mga menchung delicious, parang si moaning myrtle, di ba nasilipan na nya si danielle radcliffe? sumasarap ang batang iyon ah. ahihihi! tapos iha-haunt ko si mcdreamy. hindi yung nakakatakot na haunting, kundi yung haunting na hahanap-hanapin nya. isipin mo, ang saya di ba pag out of nowhere, bigla na lang may hahada sa iyo. it’s the best feeling ever! at hindi ko pa kailangan i-reveal sarili ko di ba? tapos ako susundo sa kanya pag dedbol na din sya. ahahahaha! ano ba! ito ba ang aking thoughts on mortality? ang chipalette! hindi pang-all time greats! pano pa ako magiging isang literary luminary, tulad ng pinapangarap ko? nais kong dalhin ang salitang baklush sa isang pdestal, ka-liga ng ingles, kastila, latin. ahahahaha! jusko, mamamatay akong baliw. ngayon pa lang baliw na ako. pero mas baliw ang taong nagbabasa ng mga laman ng isip ng isang baliw. keri? keri!

April 5, 2007

na-me-memories ako

Filed under: Uncategorized — Antz @ 7:23 pm

anuva.. bakit ko ba palagi pa ring napapanaginipan si McDreamy? Hello, high school pa yun! First love never dies ba talaga? Ang tanong, ‘neng, eh, love nga ba talaga yun? Habang may I look back ako, natatawa na lang ako sa mga kapukelyahang pinaggagagawa ko. Nandyan yung puntahan daw ba sya sa bahay nung birthday nya, na warizima naman akeng invited. Ahihihi! Ang chipangga ever!! Andyan din na give ever ako ng mga librong ginamit ko na nakatulong sa akin (one year behind sya sa akin), without him asking. Assuming da bah? Yuuuck! Nahihiya ako, teka, lulunukin ko muna ang hiya.. Give me a moment..

Eeeennnniiiiweyyyzzz, ayun na nga. Somebody answer me. Bakit di ko sya ma-get over with? Hayyy… Kahit ilang beses ko nang nise-self therapy ang aking sarili through a 24/7 playing of I Remember The Boy ni Ate Lea, wah effect. I remember the boy, and I still remember the feeling anymore. Ampanget ng English! Ahihihi..

Pero seriously.. I need to get him out of my system. I can’t pretend to be 100% happy, pero andami dami kong dapat ipagpasalamat, and andami-daming swerte and source of happiness na dumadating sa buhay. Can it be true na sya lang makapagbibigay ng true happiness? Wazingerzie! Baka naman mga what if what if lang ito, and umaasa akong kung naging kami man eh happy nga talaga kami. I try to imagine na kung naging kami, baka lalo lang akong maging jaded. Baka tamad sya, milkman, abusive dahil patay na patay ako sa kanya, and stuff. My golly, there was even a time na literally willing ako i-give up ang buhay ko for him. Drama queen ever talaga.

Hayyy… sa ngayon, let Lea sing on, baka ma-convince ako pag talagang hindi ko tinantanan na i-play ang kanyang kanta…

March 23, 2007

ngayon ay november 1

Filed under: Uncategorized — Antz @ 7:49 pm

Kurek!! Bakit kanyo? Sapagkat ngayon nabuhay muli ang patay – as in ang mejo flatlining ko nang blog eh mabubuhay muli. Bwahahaha!

In all fairness, matagal na sana itong nabuhay, kaso wa pa ang spark na hinahanap ko. Kazi naman, ayoko namang magix makabagong Xerex itong aking blog, at puro tawag ng kalamanan ang contents. Dapat meron pa rin, pero dapat paminsan-minsan, may relevance. Or at least pag binalikan ko ito a few years from now, may smile (at hindi ang pokpokitang smile) na lilitaw sa aking mga labi. Kita nyo naman, na-survive ko na wag mag-comment sa dami ng pwedeng komentan, like the Kris Aquino saga, davah? Pero nagpigil ako. Say!

At! In my absence, may nag-comment. Why not!!! Winner! Hehehe..
Na-appreciate ko naman.

So, expect ko na ulit na malalamanan muli ang aking almost dead na blog.

BOO!

powered by performancing firefox

December 18, 2006

back from oblivion

Filed under: Uncategorized — Antz @ 9:50 pm

heller!

yes, after ten million years, ako’y nagbabalik. and since ten million years yun, dapat lang na may evolution na nangyari di ba.. pero dinidiskubre ko pa anong klaseng ebolusyon ang naganap sa aking pagkatao. sana magkaroon ako ng x-men-esque powers. type ko talaga pinaghalong professor x + storm + mystique. ang tanong na lang eh makakailang menchu kaya ang kakayanin ko sa isang gabi… ahihihihi! kaya siguro di ako pinagkakalooban ng super powers, gagamitin ko sa kalandian. ahihihi! yes, opo, mr. spiderman. i know. with great powers come great responsibility. eh hindi ba responsibilidad din ng sangkatauhan ang humayo at magpakarami? ahihihihi!!

well, anyway hiway by the way, eto. sana nga ay maging productive itong aking being back from oblivion. pero ako’y babalik muli sa oblivion in x number of days’ time eh. kaya i’ll make the most of this lull.

sadly, walang kabaklaang naganap sa aking pagliliwaliw sa kawalan. how i wish. sana magka-boylet ako.. sana pinoy, love ko talaga ang pinoy boylets.. tapos chinese.. tapos latino (syempre praktisado na sa pinoy and chekwa, kaya baka kayanin ko na ang latinos).. tapos kano.. tapos.. tapos… sana nasa pila din si McDreamy…

November 3, 2006

ochenta, part 2

Filed under: Uncategorized — Antz @ 6:19 pm

Kung hindi nyo ako ka-age, at wa kayong ideya about the 80’s, pwedeng itekla ang maging introductory lesson nyo – isang video ni Mick Jagger at ni David Bowie. O dabah, kahit papano, cool sila pa rin until now?? Pero watchinggelya nyo sila – Bowie and Jagger dancing like it’s 1985. Eeeewwww talaga. I remember, and I’m ashamed. Ahihihihih!!!!

Older Posts »

Create a free website or blog at WordPress.com.