Wicked Wicked Wicked

January 20, 2010

It’s ALIIIVVVVVEEEEE !!!!

Filed under: Kafufuan Galore — Antz @ 4:39 pm

Halu mga pipolitas! Yeeezzzzz, I’m back from Hades, where I looked upon Tartarus, dramang ala-Percy Jackson ang inistaran ng lola mo. 😉

Ewan ko ba, life overtook writing! Jusmeo hindi ako makapaniwala 2008 2007 pa ang last post *hinimatay* !!  Wiz ko maimajin na zero posts ako nung 2009!

Well, keri on! Anuvah ang updates, think think think …

– Syempre, ni-friend ko na si McDreamy pati sa facebook! Mejo nasaksak lang ang aking sacred heart seeing him with his happy family, at may iba pang mega PDA sila ng wifey .. Mas maganda naman ako sa Medusang yun! 😛

– Syempre babad pa rin ako sa aking tahanan. Super sight lang sa street, sa snow, sa bare trees. Friend ko na nga ang isang squirrel I think …

– I think finally I am settling into some semblance of peace with myself and my situation. Sabi nga ni St. Jonathan Larson: forget regret, or life is yours to miss! (Cue na yan para mag-concert, mga sis!! No other road, no other way – no day but today!) I love my kids, relationship with better half needs to be worked on daily (alin bang relationship ang di kailangan alagaan divah?), work pays.  Lucky Me ang lola nyo, all things considered!

– That doesn’t mean di ako nagsa-sightseeing no!! Anech akech, tuod? Gosh, ang dami pa ding guash sa mundo!! Look, but don’t touch (and taste!) ang drama ng lola mo.

O sya, I’ll try to update this as much as I can – gawin ko iyang isa sa aking mga resolutions…

Babushka! And signing off from somewhere in the Northeast …

November 3, 2006

ochenta

Filed under: Kafufuan Galore — Antz @ 5:54 pm

Omaygad! Tumatander na ata talaga ang lola nyo, ngayon na-realize ko na ang luluma na talaga ng mga cartoons na sinubaybayan ko noong panahon ni Marcos at Cory! Ahihihihi! Thanks to Wanda, naalala kong muli ang aking kabataan. Wala akong pitu-pito tulad ni Wanda, pero wish ko lang i-remember ang aking carefree days of my boyhood (wiiiiiitttttttyyyyyy na!!!) and the visions of our youth. Eto ang mga cartoons na nag-shape sa aking twisted wicked wicked wicked mind.
1.

Thundercats!

Thundercats – ito ang isa sa pinakapaborito ko. Menchung menchu ang mga menchu, at ang taray ni Cheetarah. Best in Costume ever, like ko pa ang powers nya.

2.

Visionaries Logo

Visionaries

visionaries: knights of the magical light – basta, there’s something about them holding the staff kahit saan, tapos mega-project ang kanilang animal totems.
3.

DinoRiders!

dino riders – ewan. basta i like. baka mencucu pa ako nung bata pa ako.
4. Si MakoSi Mako, transformed

OctaviaOctavia transformed

tigersharks – like ko din maligo sa Fish Tank..

5.

cast ng dungeons and dragons

dungeons and dragons – gusto ko talaga ng mahika eh, cares nyo ba
6.

Denverita

denver the last dinosaur – di ko naman talaga ito kagustuhan, naalala ko lang na dahil wala nang mapanood, or naka-sandwich sya ata sa dalawang cartoons na gusto ko, sige na rin, pinapanood ko na rin.

7.

Smurfette

smufs – idol ko si smurfette!! paraiso yun!! sya lang ang nag-iisang babaeng smurf, remember?? swertelette ever talaga.

8.

He-Man

he-man at

She-Ra

she-ra – like ko si he-man, love ko si she-ra. idol ever! i like the hair and the costume and.. everything. basta bakla sya.

9.

Transformers

transformers – basta maganda ito.
10.

Tarush ang Gobots davah??

challenge of the gobots – minsan, parang mas preferred ko ito kesa transformers. kasi may girlash sa mga main cast, kontravida nga lang. OR maybe because of the above image!!

look at sino ang nare-remember ko sa kontravida:

Gobot kontravidaErna Maceda

Ahihihihi!

10.

Flying House cast

the flying house saka

Superbook cast

superbook – mejo pareho ito, pero love ko pa rin. actually, among all the cartoons dito, ito ang nagpakirot sa aking i heart mcdreamy. dito ko talaga naramdaman ang reminiscing. hayyy… i love them.

11.

Voltron Ganda Pose!

voltron – mas like ko ito kesa voltes V, di ko alam why. la naman akech paki sa story lines, basta mas like ko ito. dedma sa inyo. ahihihi!

So, kitams?? Di ba pang tru blu little boy blue ang aking mga hilig? Ewan bakit ako biglang naging fufelya. o baka dati na akong fufelya, I just watch these cartoons for all the machong machong mga mencucu sa cast. Sobrang sicko ko yata, pati cartoons, pinagpapantasyahan ko nung bata ako. Ahihihihi!! Hoy chikka ever lang. In fairness, kahit ngayon, pati ang mga like kong games, mga nilalaro ng mencucu. I think karamihan ng preferences ko, tulad ng sa mencucu. pagdating lang sa kaelyahan, dun bumabaluktot. Ahihihihi!! Vavoosh!

November 1, 2006

kagadgetan

Filed under: Kafufuan Galore — Antz @ 3:23 pm

Sabi ng aking guro sa Filipino, ang wikang FIlipino ngayon ay flexibol na, pwede na natin gamitin kahit ang mga banyagang titik, at kahit mga banyagang salita. Subalit, may mga panuntunan tayong dapat sundin. Una, hangga’t maaari, gamitin ang katumbas ng banyagang salita sa Tagalog o sa ibang katutubong wika. Kung sadyang wala itong katumbas, maaari itong gamitin, subalit alinsunod sa panuntunan ng pagsulat ng Filipino – kung anong bigkas, syang baybay. Ang ilan sa mga eksepsyon dito ay ang mga siyentipikong o teknikal na mga terminolohiya. Kaya ganito ko gagawin ang mga susunog na blog, hangga’t kaya ng aking kapangyarihan. Kulang lang ito ng isa pang eksepsyon: walang panu-panuntunan sa salitang bakla! Ahihihihi! Tarush ever!!

-^^-

Faynali Sa wakas nakabili na rin ako ng ispikers, at talaga naman atang dumugo ang tenga ko buong gabi kakapakinig. Ang ganda ganda ng tunog. Pakiramdam ko nga, gusto na akong katukin ng mga kapitbahay. Ahihihi! Syempre una mega-sayaw muna ako to the tune of Craig David (sexy davah? Tarrrush!). Syempre chinek ko muna kung ayos ang beys. Pati dibdib ko ate kumakabog. Para akong si Sisa na nagsasayaw. Ahihihi! Tapos, syempre subukan ko naman yung mga tipong orchestra sounds, so play naman ako ng live recordings ng mga showtunes. Naiyak ako. Pakiramdam ko, andun ako sa stage, pati yung emotions naramdaman ko. Wang OA ate, ang ganda ng sound. O di ba, sound freak? Ahihihi! Ayaw ko na nga ata pumasok ever eh. Gusto ko na lang malunod sa awit.. o sa esdu, or both.

October 30, 2006

gandang Ricky Reyes

Filed under: Kafufuan Galore — Antz @ 6:24 pm

Heller heller helen keller!

Wa masyadong updation (ika nga ng mga bombayitas dito sa work) sa aking semi-charmed life, except na pasakit ng pasakit ang wetpacks ko. No, Virginia, hindi dahil sa whatever-your-dirty-mind-thinks, witchelles! Gustuhin ko man (ahihihi!), the ooportunity hasn’t presented itself yet. Virginia Woolfe pa ako noh! Masakit ang aking mga maximus gluteus dahil buong araw akeng nakaupo lang dito sa aking cubicle, with nothing to do, for n stinking days na! Kaines. Eh pag may work, syempre mega-concentrate ako sa aking work, and hindi ko nararamdaman iteng mga sakit sakit na tulad neto. Pero pag super bored, lahat na ata ng reklamo ng katawan mo, nararamdaman mo! Kaines. Hindi naman ako maka-view ng boylets in their ever yummy poses no. Mega-read din ako ng ibang kabaklaang blogs, pero medyo careful syempre akez sa mga website addresses.. Witty na ang may mga suggestive words like queer and sex and stuff!! Pero yung mga tipong tinira-tira nya ako sa aking lagusan. Masakit pala ito, pero kakaiba din ang sarap na naramdaman ko, at napaluha ako kinda blogs, go go go!! Ahihihi! Eh josko, mega telags na ako dito, wa naman ako magawa! Di pwede mag-relieve! Ahihihi! I’m such a sick person.

Anywaz, eh di heto na nga. Gusto ko nang lumipat ng trabaho, dahil gusto ko eh yung tipong may activity ang aking mind. Yes, mama, di rin ako satisfied pag wala naman ginagawa, contrary to public belief na ok ang work na binabayaran pero walang ginagawa. It’s as bad as being overworked noh! Syempre mega-prepare ka ever sa morning like gising ng maaga kahit ang lamig lamig, planchina ever ng iyong outfit and everything, tapos pagpasok mo sa ofis, wiz mo alam how to let the 8 hours pass! Sawa na ako sa news and everything! Ayaw ko naman ng mga masyadong graphic na websites (as mentioned above), davah?? So what’s a a girlalu got to do? Mega blog ever. Tulad nito. O di ba? Wateklabelles chinabelles ka kwenta kwenta. Ahihihi! Pero ayun na nga. Itong mga nakaraang linggo, search for a star in a million ang drama ko, hanap ng malilipatan na magandang opportunity. Ganito naman ang nature ng aking work, kasi pa-temp temp/consultant lang, so given na pwede kami magpalipat lipat. Ahihihi! Eh may pumatol sa ganda ng lola nyo, at with glowing praises pa for my skills! Eh di flattered naman ang lola nyo davah, and mas mahal ng konting konti lang naman ang rate. Eh di givesung na ako ng aking 2 week notice. Abababa alibaba chinabelles! Mega-counter offer ang aking current employer, something na di ko ma-resist! Humaba ang hair ng lola nyo ever, to the nth degree! At nung mega kwento ni lola basyang ko ito sa ibang mga utawbelles na friendz ko with the same nature of work, nagtaasan ang kanilang mga kilay to the 31st floor! Bihira na daw ang nag-o-offer nung inoffer sa akin, especially eh months pa lang aketchina ditez sa aking work. What’s a girlalu to say?? Sinuklay ko na lang ng hair doctor ang pahaba nang pahaba kong hairlalu.

Ganda lang yan, mga sisterettes! Signing out (at least for the day..).. Wish me luck, sana I made the right choice!

Nagtatarush,
Antz!

October 27, 2006

ganun pala

Filed under: Kafufuan Galore — Antz @ 8:37 pm

Usually, maaasahan mo ako sa mga bagong gadgets, hindi basta-basta nasu-surprise ang lola nya pagdating sa technology. Saka bago ako bumili ng mga kabagayan, usually mega research ang lola nyo, and sisiguruhin kong mega tuwa ako, at hindi yung after 10 days eh gusto ko nang magpalit. Although dito naman sa US, keri nilang mag-Quiapo Balic Balic ng mga gamit, wiz ko masyado hinahanap ang returns and exchange experience. Syempre, pinalaki akong Catholic schoolgirl, kaya as much as possible, taklebu tayo sa mga kakomprontasyunan. Anyhoo, di ba, after 5 years (o, wang exagg yan!), ngayon lang ako bumili ng iPod. Ang tagal tagal ko mang ni-resist, di ko pa rin nagawa. Meron na ako noon mga mp3 players, pero syempre, sikat ang iPod, so mega buysung akelsa. Medyo na-disappoint pa nga aketch, kasi pag-play ko, sabi ko, similar but not the same naman pala eh! Ganun pa rin, tumutugtog pa rin with the same quality ang aking vast collection of piniratang mp3s!! Or so I thought. Etong wiz akong magawa na naman sa akelsang hanapbuhay, and I’m so bored, eh di mega play ko ulit si Mr. iPod, this time with the volume na almost sagad, sobrang sagad, matutuwa si Osang*. Aba aba abachina!! I liked the quality!! Andun pala ang difference!! Yung iba kasing mp3 players, pag nilalakasan ko na, medyo sumasabog na ang sound. Ito, kering keri nya! Hindi masakit sa tenga! I mean shempre it hurts, everybody hurts by R.E.M pag malakas ang volume, pero hindi yung nakakarindi. Color mwah impressed! Sign me up for the iPod fan club, late bloomer man! Sabi nga ni Tito Nards na dating jowa ni Alvin Patrimonio, 4.5** stars out of 5!!

* KIDS, wag sundin ang ginawa ko, baka ipakulong pa ako ng mga magulang nyo for being a B.I.

On second thought, kahit naman ata hindi ko sinabing mag-play ng iPod at full volume, Ms. B.I. pa rin ako , da vah??

** Yung 0.5 eh nire-reserve ko pag pliney ko na itong iPod sa isang true blue mega gandang speakerlalu. Babush!!

October 24, 2006

kemerkemerlou

Filed under: Kafufuan Galore — Antz @ 3:35 pm

anuna??

eh kasi naman, kakachorva ko, eto’t lagi na lang chorva ang laman ng aking chorva! nachochorva ako kakachorva ng mga chorva ng kung sinu-sinong chorva! kalokah!

miss ko na tuloy chumorva ng mga menchu sa kung saan-saang kemerkemerlou! pesteng mga kachorvahan yan, mga tukso!

hayyy… buti na lang, kaya ko pa naman chorvahin itong aking kachorvahan. i’m still sane, in spite of all the kachorvahans flooding me.

keri? keri!

ahihihi! Say “PRESENT!” kung you made sense of this, kalahi kita!! ahihihihi!

Create a free website or blog at WordPress.com.