Wicked Wicked Wicked

April 26, 2007

tatay-ness

Filed under: Uncategorized — Antz @ 9:22 pm

ang hirap maging tatay. lalo na siguro sa sitwasyon kong andaming what-if’s.

syempre, stressed sa office, tapos since wala namang katulong, pag-uwi sa bahay, mega-asikaso pa din ng chores. plus spend quality time with your kids. and then, makakatanggap ka from time to time ng tawag na para kang ombudsman na tagatanggap ng reklamo, dahil yung asawa mo suko na sa mga anak mo. in furrnezz, nakakapagod din ang routine. masaya ang may inuuwiang anak at asawa. pero minsan, parang nao-overpower na ng daily grind.

especially since at the back of my mind, andaming could’ve beens. i could’ve been single and gay. akin ang oras ko, akin ang moolah ko. matutulungan ko ang mga gusto kong tulungan (shades of Pooh ba nagpapaaral ng mga boys? ahihihi!), mabibili ko ang gusto kong mabili. pwedeng magpakamot at mangamot, you only have to answer to yourself (and sa konsensya mo).

minsan (at dumadalas), napapa-isip ako. masakit aminin, pero naiisip ko if I made a mistake. dapat bang sinige-sige ko na at niyakap ang aking pagkabading at nagpaka-single for life na lang? but there’s too many happy times para magsisi ako. meron lang talagang times i feel so overwhelmed. and those are the times na parang gusto kong bumalik ng time, and change everything. gusto ko nang sumuko, sumigaw, lumayas, magmukmok, umiyak. Just once, gusto ko uling umikot ang mundo ko around me.

Pero may mga bata pang kailangang bantayan, mga boteng dapat linisin, mga kalat na dapat ligpitin, at mga damit na dapat labahan.

Saka na…

Advertisements

April 23, 2007

suko.. o subo?

Filed under: Uncategorized — Antz @ 4:34 pm

kwit kwitty kwittelya na ako… huhuhuhu..

punyeta, hindi ko na kaya!! ang gwapo talaga ni papa!! hindi ko na matiis!! dapat lagi nang may ready na panyo, sa laway kong laging tumutulo..

wait, rewind rewind rewind.. knowz ko na di nyo ma-getz! aru!

kasi naman, eh di new office, new people ang drama ko. maliit lang na kumpanya ito, well, at least dito sa office nila sa US. Siguro more or less 20 people. And karamihan puti, pero meron ding mga hindi maiiwasan na bumbeys, alam mo na, I.T. eh. Pero hayun na nga, karamihan puti. And yung isang puti, puting ina!!! Napapamura talaga ako. Hindi naman overpowering ang kanyang face value, pero cute din naman talaga. Tipong hindi lang mailalaban sa tipong Brad Pitt kung face value lang. Pero dahil athlete sya noong college (sa pag-Google ko nalaman itu!), and malamang continue sya sa paglalaro until this time and age, jusko, umaapaw ang sex appeal!! Lalaking lalaki ang bulas, ang ganda ganda ng tayo and pangangatawan.
 Tapos, syempre finally umiinit na dito sa US, so wala nang mga sweaters and cardigans and stuff, so pwede na polo-shirt lang. Pukpukelya, ang isuot ba naman eh yung mejo humahapit na polo shirt. Pag ako namatay at ma-reincarnate, gusto kong maing polo shirt. O briefs. Yakap (o pasan? Ahihihi!) ko ang mundo!!! Tapos naka-slacks, so hubog na hubog ang wetpaks, tapos ang ganda ng laglag ng pants. Tapos matangkad pa. Oh my gulay. Im going crazy. Call this kabaklaang walang kakwentang kwentang blog entry, pero I need to get this out of my system! Di ako makapagtrabaho. Gusto ko lang trabahuhin!!! GRRRRR!!!

Help!! I need some serious help!! Testosterone help!

April 11, 2007

skeyri!

Filed under: Uncategorized — Antz @ 7:02 pm

kaines!! watashiwa anato aishtemasu ko naman alam bakit ang LSS ko (last song syndrome for you, vhekles!) eh ang calssic at di mapantayang multong bakla. dahil ba ako’y bakla? wiz.. ganda ng logic.

(singit. bigla akong napakislot, lapitan daw ba ako ng bos kong puti! syempre amfanget na mega-immediate hide o minimize ako ng screen, lalong magdududa na may ginagawa akong kababalaghan, so dedma nang nakikita nya ang tina-type ko. mejo unnerving pa rin to have someone na nagbabasa ng blog mo na sinisigaw na bakla ka, although alam ko witchelles nyang naiintindihan. okie, keri on)

anywez, kung anik anik tuloy ang mga kamuni-kumuning mga pagmumuni ang pumasok sa aking isipan, umiikot sa konsepto ng multong bakla. o da vah? napaka-intellectually stimulating ng topic?

sino ang may sagot sa: ang multong bakla ba, ang unfinished business eh may koneksyon sa kanyang kabaklaan? ang haunting bang ginagawa nya eh bigla na lang may lilitaw na baklang nakaluhod/nakatuwad sa harap ng isang lalaki? hayok pa rin kaya sila sa hada? humahada ba sila ng kapwa multo?

tapos, bigla kong naisip, parang ang saya maging multong bakla. silipan ko ang mga menchung delicious, parang si moaning myrtle, di ba nasilipan na nya si danielle radcliffe? sumasarap ang batang iyon ah. ahihihi! tapos iha-haunt ko si mcdreamy. hindi yung nakakatakot na haunting, kundi yung haunting na hahanap-hanapin nya. isipin mo, ang saya di ba pag out of nowhere, bigla na lang may hahada sa iyo. it’s the best feeling ever! at hindi ko pa kailangan i-reveal sarili ko di ba? tapos ako susundo sa kanya pag dedbol na din sya. ahahahaha! ano ba! ito ba ang aking thoughts on mortality? ang chipalette! hindi pang-all time greats! pano pa ako magiging isang literary luminary, tulad ng pinapangarap ko? nais kong dalhin ang salitang baklush sa isang pdestal, ka-liga ng ingles, kastila, latin. ahahahaha! jusko, mamamatay akong baliw. ngayon pa lang baliw na ako. pero mas baliw ang taong nagbabasa ng mga laman ng isip ng isang baliw. keri? keri!

April 5, 2007

na-me-memories ako

Filed under: Uncategorized — Antz @ 7:23 pm

anuva.. bakit ko ba palagi pa ring napapanaginipan si McDreamy? Hello, high school pa yun! First love never dies ba talaga? Ang tanong, ‘neng, eh, love nga ba talaga yun? Habang may I look back ako, natatawa na lang ako sa mga kapukelyahang pinaggagagawa ko. Nandyan yung puntahan daw ba sya sa bahay nung birthday nya, na warizima naman akeng invited. Ahihihi! Ang chipangga ever!! Andyan din na give ever ako ng mga librong ginamit ko na nakatulong sa akin (one year behind sya sa akin), without him asking. Assuming da bah? Yuuuck! Nahihiya ako, teka, lulunukin ko muna ang hiya.. Give me a moment..

Eeeennnniiiiweyyyzzz, ayun na nga. Somebody answer me. Bakit di ko sya ma-get over with? Hayyy… Kahit ilang beses ko nang nise-self therapy ang aking sarili through a 24/7 playing of I Remember The Boy ni Ate Lea, wah effect. I remember the boy, and I still remember the feeling anymore. Ampanget ng English! Ahihihi..

Pero seriously.. I need to get him out of my system. I can’t pretend to be 100% happy, pero andami dami kong dapat ipagpasalamat, and andami-daming swerte and source of happiness na dumadating sa buhay. Can it be true na sya lang makapagbibigay ng true happiness? Wazingerzie! Baka naman mga what if what if lang ito, and umaasa akong kung naging kami man eh happy nga talaga kami. I try to imagine na kung naging kami, baka lalo lang akong maging jaded. Baka tamad sya, milkman, abusive dahil patay na patay ako sa kanya, and stuff. My golly, there was even a time na literally willing ako i-give up ang buhay ko for him. Drama queen ever talaga.

Hayyy… sa ngayon, let Lea sing on, baka ma-convince ako pag talagang hindi ko tinantanan na i-play ang kanyang kanta…

Blog at WordPress.com.