Wicked Wicked Wicked

September 28, 2006

Dubai

Filed under: Snippets — Antz @ 3:09 pm

Dubai

“Aminin mo na lang kasi na balak mo mag-stay dun at magtrabaho eh, papapasukin kita.”

“Eh hindi po talaga eh, bibisitahin ko lang ate ko, saka mga pamangkin ko…”

“Eh lalo tayong nagtatagal eh. Aminin mo na, para makapasok ka na.”

Lecheng immigration official ‘to sa NAIA! Kapwa Pinoy na nga, nangwawarla pa. Eh ano magagawa nya kung gusto talagang bisitahin nung babae yung sister nya? Wala na bang karapatang mamasyal around the world ang mga mukhang katulong? Lecheng immigration official talaga, nagmamaganda, mukha namang kalyo ni Adan.

“Next!”

Eh di lumapit na ako, sabay bigay ng papers ko.

“Saan punta mo?”

“Middle east po (city name withheld).”

“Ano gagawin mo doon?”

Rarampa, bakla! Ano akala mo?? Pakialam mo??

“Ite-train po yung kliyente.”

“Talaga? Mangta-train ka? Bata ka pa ah!”

OO, di tulad mo, matandang hukluban!!

“Asan company ID mo?”

Director Wycoco, is that you??

“Eto po, ano pa po kailangan nyo?”

Dedma. Tinatakan lang passport ko. Hay salamat! Ang taray taray, wala naman ipagtataray! Eh di pasok na nga ako sa airport lobby. Kahit ilang beses na ako nakaalis, nakakaramdam pa rin ng excitement ang lola mo. Yun bang anticipation to see another new place, and discover new adventures! At, ngayon ay Middle East pa. Although medyo hot zone and war-torn, go pa rin di ba? Ilan na ba ang makaka-claim na rumampa sila sa isang war-torn, under-developed Middle East country di ba? Sholog nga muna ako sa flight, but first, a word from our sponsor – keri na ang airline food, kesa naman mamilipit sa gutom di ba? First stop over – Dubai.

Jusmiopardon! First time ko sa Middle East, and andaming Arabo! Hahahaha! Ang laki ng airport ng Dubai, at mukhang isang malaking mall! Color me impressed, di ba?? At isinapuso ng airport ang pagiging central hub ng mideast! Ang tataray ng lights, shaped pang palm trees. And then I realized, anak ng pokwang, almost 12 hours ang lay over ng Princess Jasmine (syempre paglapag ko sa middle east, kailangan meron ding costume change ang aking alter ego)! Warlalu! Anong gagawin ko sa airport, mag-shopping for 12 full hours?? Wah na! Di pa ako nakakaabot sa destinasyon ko, mauubos na per diem ko. Pero malakas ang tawag ng Dubai Duty Free… Besides, baka manalo ako ng naka-raffle na Porsche, red pa naman. One raffle ticket for every $100. Tarush di ba? Walang masama sa mangarap, remember!!

Eh di go ako sa mga pabango muna. Syempre, baka kailangan ko ito pag nakihalubilo na ako sa mga ahem-ahem. So with all the sosyal accent I can muster, super ask ang lola nyo sa saleslady.

“How much are the 20 mL bottles?”

“Sixty five dollars yan.”

Did I hear it right?? May “yan” ?? At biglang parang naalis sa aking mga mata ang isang malaking kurtina – why o why hindi ko napansin itoh?? Halos karamihan ng workers – salesladies, sanitary engineers, etc etc – sa airport, mukhang Pinoy!! Ay, shala!!! Pwede mag-apply?? Joke joke joke!!!

Kakahaggard naman ang mga presyo!! Bumili na nga lang ako ng isang bar ng Hershey’s. At least masabing may nabili di ba?? Hershey’s pa, sushalin, especially for a girl from Tondo. Warla, 20 minutes pa lang nakakalipas! Ang bibigat pa naman ng mga bagahe ko. Entitled man kami for a hotel if tumagal ng 10 hours or more ang layover, parang ayaw ko nang mahassle na mag-apply pa ng parang visitor’s visa, lumabas ng airport, at maghanap ng hotel. Kakaokray. Besides, by the time na makarating ako sa hotel, malamang ligo na lang pwede kong gawin, konting nap at magugulat na lang ako, time to go na naman to the airport. Kapagod lang. Eh di rampa na lang ako sa airport, hanap ng matatamabayang mejo saucy. Ay, may hotel pala dito sa loob ng airport!! So go naman ako, to check the rates. Syete pulgadas kabilog, ang taas ng rates!! Hindi swak sa budget na bigay ng ofis! Pero antok ako, and the hotel looks really nice! Umandar ang nagmamagandang prinsesa ko, nagpakasosyal, at tumawag sa ofis (syempre, roaming fees apply!). Mega-explain ako, and in the end, pinayagan ako. Wowowee!!! Super check in ako, and of course, Pinay ang receptionist. Go go go through all the requirements, then binigyan ako ng susi. Tapos, may tinawag ang receptionist, bell boy ata, to help me with my luggages (ang dami talaga, ate.. sumakit talaga ang braso at likod ko kakahila sa kanila). At ang lumapit? Oh my!! Olympia, can this be love???

Pinoy sya, mataas ng konti sa akin. Di naman talaga kagwapuhan, pero di naman papatalo. Cute, and killer smile. Mukhang nagba-body build, malinis ang haircut. And super smile oh my.

“Saan room nyo, Sir?”

Mam ako, kuya. Dahan-dahan lang mamaya ha? Bwahahahaha!! Bakla ka talaga, Princess Jasmine!

“Uhmm.. 306 ba ito? Oo nga ata, 306.”

“Ah dito tayo sa elevator, this way.”

“Uy ako na dyan sa mga bagahe ko. Kakahiya, ambibigat!”

“Hindi, Sir, ok lang. Kayang kaya.”

Mam nga eh, ano ba!!! *Ala-Tuesday Vargas*

“Eto na tayo, Sir. Akin na yung susi.”

“Wag na ‘Sir’, sus, magkaedad lang tayo. Baka nga dapat ikaw tinatawag kong Kuya eh.”

Ang chammylette!!! Yun na ba ang the best you can come up with, bakla??

Pasok naman kami sa kwarto. Impressive ang room! Kaya makipagtalbugan sa ibang rooms sa Shangri-La! Sosyal! Just right for a visiting Princess! Conjusive for… Aray!! natapilok ako, may nakausli sa sahig. Jusko, ang breeding, wag kakalimutan!

“Ako nga pala si Antz. Ikaw?”

“Chris.”

“Ha?”

“Chris.”

“Trish?”

Bakla, now is not the time to be deaf. Note to self: mura lang ang Q-Tip.

“CHRIS!”

“Ahhh, Chris! Sorry ha, must be the long flight.”

Sheeet, tama na ang getting-to-know-you stage!! Foreplay na agad, please?? Ang yummy mo, kuya!!

Blah blah blah. Nalaman kong may ilang taon na rin sya sa Dubai, and matagal na din sa hotel. Walang girlfriend, taga-somewhere in Visayas. Friendly, and naughty. Paano ko nalaman? Basta, I have my way! Raise your hands if you want to ask!!

Silence.

“Marami ka pa bang gagawin? Baka kailangan mo na bumalik sa lobby?”

“Hindi naman. Wala naman masyado guests eh. Besides, may isa pa dun bell boy na tamad. Mabuti ngang sya na muna. Saka guest ka namin di ba? Di naman kita pwede iwan hangga’t di pa okay sa iyo na umalis na ako.”

Silence, not a sound from the pavement ulit.

“You can stay. Wala naman ako gagawin for the next, oh.. 11 hours?”

“Hehehe.. Okay. Bakit ba naman kasi ang ganda ng destination mo eh. Sa dinami-dami ng cities dito, dun pa. Hindi ka ba inaantok, mahaba ang flight from Manila ah.”

“Uhhmm.. nakatulog naman ako sa eroplano eh. Siguro magsa-shower lang muna ako, para naman maalis yung malagkit na feeling, saka para maka-relax-relax ng konti. Dyan ka lang muna, I’ll just be quick. (Quick note: naka-lock ba yung bag where my important personal effects are? Check mark. Corrected by.)”

“Okay, wag ka magmadali.”

Ang taray ng shower room! Wala akong masabi.. Nakaka-invite mag-shower!! So nagmamadali kong sinara ang door, naghubad, and hot shower. Grabe, iba pala ang effect ng hot shower after a long flight. Ang sarap!!

Nagulat ako, biglang bumukas ang pinto ng shower.

Ang quick shower, naging shower na lang. Ang 12 long hours, naging short time. Mental note to self: pagbalik to Manila, mahaba pa rin ang layover. Diretso na sa Dubai airport hotel after one month.

September 27, 2006

to all the [hmmm]s I [hmmm]ed before…

Filed under: Unsent — Antz @ 11:09 am

This is from my old blog, pero gustong gusto ko ito, so I posted it here again.

=================

Dear Badong,

Iyo ang unang kargada na nasilayan ko, apart from my own. Ikaw ang nagbukas sa pinto, isipin mo yun? Kahit di mo nalalaman, may achievement ka! First year pa lang tayo, well-endowed ka na, in fairness. And it didn’t hurt na super cutie ka, hanggang ngayong vinu-view-view ko ang iyong profile sa friendster. Cute ka talaga, you made it to my all-time crushes. Alam ko pahada ka, kaso takot pa ako noon eh. Kung magkita tayo ngayon at pahada ka pa rin, kahit buong gabi, promise di ako magrereklamo. At hinding hindi ko makakalimutan na nung graduation natin, ikaw lang ang nag-congrats sa akin after ng ceremony, at nagsabing good luck. All other else, including my closest friends, wa nang congrats congrats. Ikaw lang, and for that, may asterisk ka sa puso ko. Wala bang meaning na ikaw ang unang sinulatan ko?

-^^-

Dear James,

Sa totoo lang, ikaw ang unang crush ko from school. Alam ko grade 6 na tayo nun nung naging kaklase kita, repeater ka ata nun? Hihihi.. Pero no matter, masaya pa rin akong naging kaklase kita. Although ikaw din ang unang nagpatikim sa akin ng karahasan ng mundo sa mga tulad ko. Sabihan mo ba naman akong bakla in my face, na mejo poisonous ang tono! Pasalamat ka kyeme pa ako nun, at cutie ka! Hanggang ngayon, feeling ko cutie ka pa rin, although di ko na alam itsura mo ngayon. Baka hindi na di ba? Sa kaka-spew mo ng hatred, baka pumanget ka na. Hahaha! Buti na lang din maganda ang sisterette mong naging friend ko (na kaklase din natin). Ang hahaba ng hair nyo ah!

-^^-

Dear Vaughn,

First year pa lang tayo, super sight na kita. Yummy ka talaga kasi eh. At di ko makakalimutan na nung second year tayo, since new student ako nung first year at karamihan sa batch natin eh graduate ng elementary from the same school, konti lang friends ko. Pero nung nakapila tayo sa phone booth, nilapitan mo ako, inakbayan ng super friendly, at sabay sabing “‘Tol, meron ka bang limang piso?” Sabay killer smile. Sheeeet!! Hay naku, storya ng mga bakla. Pakyutan mo lang, papagtapusin ka na ng college. Hahaha! Pero at least na-feel kong hindi pala ako invisible, na kahit ikaw na sikat sa batch natin eh kaya pa rin pala akong makita. At nung maging magkaklase na tayo finally nung fourth year tayo, class president ka namin, di ba? Umattend pa tayo nung leadership seminar sa tagaytay. Protective ka nga sa akin dun eh. Mabait ka sa akin. Although naalala mo nung minsan, lunch break? Since Marshall kayo nung friend mong si Glenn, you had to stay sa room para magbantay. Eh ako, umakyat sandali para may kunin. Nung andun ako sa room, bigla kang humiga at sabing “Antz, o..” sabay himas sa crotch mo. Syempre kunyari naasar ako, pero deep inside, natunaw ako! Kung wala lang si Glenn dun! AT! Mali ka rin magyaya eh.. Kung uwian ba naman yun, di sana nakamot ko ang pangangati mo, kahit abutin pa tayo ng gabi sa school.. And alam mo, minsan I wonder, baka kung kinamot ko yung kati mo, baka hindi ka nakabuntis ng dalawang girlalu nang sabay. Di sana mas maayos buhay mo di ba? *Mangarap daw bang savior of mankind??*

-^^-

Dear Mark Joseph,

I know, makukulong ata ako sa ginawa ko. Fourth year ako, first year ka. Pero biggie ka namang first year, and super cutie chinese. Kaya isa ka sa mga prospects ko. Natatandaan mo na sinakay ka namin ng uncle ko on the way to school sa Roxas Blvd.? Along the way naman, and naghihintay ka ata ng bus. Pero in fairness, hindi ako ang nakaisip nun! Takot ko lang ako ang magsabing “Uncle, isakay naman po natin sya, schoolmate ko.” Eh kita namang cutie ka, baka pagsuspetsahan pa ako. Si Uncle na mismo ang nagtanong kung taga-*School natin, name withheld* ka daw ba? Isakay ka na daw namin. What’s a girl to do? “Opo, uncle.” Eh di sinakay ka, at nagsiksikan tayo sa likod ng owner on that rainy day. I was such a happy pepe that day! At, added bonus, ka-football team ka ni my-all-time-Mr. McDreamy. So pag nanonood ako ng practice nyo, hitting two birds with one stone ang drama ng lola mo. Hihihi.. I wish maganda na ang buhay mo, you look like a good kid. Miss you na..

-^^-

Dear Rey,

Big-time political clan man ang dugo mo (and cutie ka din talaga), mapalad pa rin ako to claim na naging close tayo nung fourth year tayo. Magkaklase tayo nung first year, kaso isa ka sa mga “sikat”, at ako’y hamak na new student pa lang, so dedma ako sa iyo. Actually, buong batch (and buong school?) dedma naman sa existence ko eh. Except for a really few na kaklase natin (na fellow new students din). Pero since my star rose as we went along, big na rin ang namesung ko by the time fourth year na tayo. Mag-second honors ba naman lola mo nung third year tayo eh (fourth quarter). Hirap nun ah! Ang tagal ko inabot yun! Lagi lang akong honorable mention. Pero back to you, magkatabi tayo almost buong fourth year ata. And you asked for my help all through out. Kesyo legal o illegal na help, oks lang. Remember nung isang major test kay Mr. O sa trigo? Set A – Set B ang test, so iba ang questions na napunta sa iyo. Eh finished agad ng lola mo ang Set B, so sinagot ko ang Test A, sabay kinusot ang papel, at tinapon sa sahig. Syang pulot mo naman. Kaso feeling ko napatingin si Mr. O! Dedma na. Di naman, baka paranoid lang ako. Ganun din sa ibang subjects. Pero don’t worry, I didn’t feel exploited. I liked helping you. And, since friend mo rin si Kagz, kahit chammy, helpsung ko na rin. Kaya naging mag-friends tayo. Minsan, nung may mga iilan-ilan pa ring nanunukso sa akin sa batch natin, and andun ka, you used your clout to say na “ops, mga pre, wag nyong ganyanin si Antz. Off limits sya..” Feeling reyna ang baklush!!!! And, I really appreciated it na nung sabihan na kung sino ang ga-graduate at sino ang hindi, nung nalaman mong ga-graduate ka, you told me salamat, na kung hindi dahil sa akin, di ka ga-graduate. Ikaw lang (and your friend Kagz) and nagsabi sa akin ng salamat na ganu ka-heartfelt, sa dami ng tinulungan ko. And for that, you are well-remembered, my friend. Sana ngayong may resto ka na sa Libis, bigyan mo naman ako discount pagbisita ko. 😉

-^^-

Dear Edong,

Third year tayo nun, and super cutie ka naman talaga. Kahada-hada talaga, and ikaw pa nagyayaya. Pero the only reason na nasama ka sa list ko is for me to be able to say na Bwisit ka!! Pinahirapan mo ako nung Third year tayo at magkatabi tayo. Alam mo naman transition stage pa ako nun, from manang to reyna! Eh mapilit ka, at lagi mo akong niyayayang hadahin ka! Don’t force me! I know cute ka, and I know you know na type kita, pero offensive na ha! At yang friend mong si B, nakikisama pa! I hope you realize na hindi porke bading kami, eh lahat ng lalaki gusto namin! May taste kami, at minsan mas mataas pa kesa sa girls! Witty na ang friend mong si B, ikaw pwede na, pero na-offend ako nun, bwisit!!! Pero, nag-mellow na ang emotions, and frankly, kung makita kita ngayon at cutie ka pa rin, masaya akong luluhod..

-^^-

Dear Jun,

Super cutie ka nung HS, and until now, when I check you out sa friendster, you retained your boyish charms. Baby-faced ka talaga, and ang laking asset ng smile mo. Wag ka magdrama ng inferior inferior ka dahil sa height mo, kasi it’s not a liability. Trust me, cutie ka. Although mejo may ere, forgiveable naman. I hope pag nagkasakit ako, ikaw ang maging duktor ko. Gagaling agad ako promise. I know untouchable ka, kasi you’re just plain matino, it doesn’t hurt to Tasya Pantasya di ba? Cue Geneva: I like you…

-^^-

Dear Jun Jun,

Elementary ako noon, and I guess 18 ka na? But you were my best friend, and you protected me, and taught me how to bike. And you gave me such fond memories, walang halong kabaklaan. You were the kuya I never had. Minsan nga nakikitulog ka pa sa amin eh, and tabi tayo. *Kilig ako!! Hihihi!* Pero I think alam mo mang may tendency ako, mabait ka pa rin. And up to now, hindi ko na alam ano balita sa iyo, pero with all your problems noon, and nabalitaan kong may anak ka na pero hiwalay sa asawa, I sincerely hope life has been kind to you. Love kita talaga, at walang halong kabaklaan yan.

-^^-

Dear Sherwyn,

Kaklase ka ni Mr. McDreamy, pero you held your own! Super cutie ka kasi eh!!! I just wanted to send you something to remind you na buhay pa ako. hehehe.. Di naman tayo masyado naging close, pero you gave me a letter nung birthday ko noon! In fairness! Kaso, late ko na nalaman na McDreamy ka pala nung best friend ko! Maghati daw ba kami! Nasaktan sya I know, dahil nauna ako, pero wit na! We’ve grown up, and so have you. Chubabers ka na ngayon, and thanks to friendster, I think nung nakita ka ni best friend, he got over you na! Hehehe.. Drummer ata ang drama mo ngayon eh. Don’t worry, kahit di ka na mabenta sa amin, cute ka pa rin. And since drummer ka, bebenta ka sa girls, I bet, chubabers or not. 😉 Thanks for the spice you gave our lives nung fourth year kami!

-^^-

Dear McDreamy,

I don’t even know how to start. I’ve written so many unsent letters to you, pwede nang maging gallery sa museo. At, hindi pa sapat ang mga yun. There are still some things I’d like you to know. Pero wit na. That was 12 years ago na ata! Pero sabi nga ni Sheryl Crow, the first cut is the deepest. And I don’t think I’ve healed well. Malamang pag nakita kita ulit, manlalambot pa rin ang tuhod ko, at magiging kyemeng puputa-putang kolehiyala ulit ako. Hihihi! Pero honestly, gusto kita ulit makita. I don’t know ano gagawin ko, pero I’d like to see you again. Just to remind myself of the kilig feeling siguro. Or maybe just to see how you are. You are, after all, my first true love.

-^^-

Dear C__per,

I hope by now, tuyo na ang likod mo, at hindi na parang magic board ba tawag dun? Yung pwede kang magsulat o magdrowing, tapos, angatin mo lang yung plastic, burado na yung gianwa mo? Hihihi! Cruella De Ville man ako, honestly, sinulatan lang kita hindi man dahil cute ka (totoo, friend. Prangkahan na, wala ka sa radar ng kahit sinong bakla, promise) to remind myself how devilishly fun din minsan na maging high school, at may license pang pagtawanan ang isang tao. Pero I am so sorry if I (WE!!!!) made fun of you. Sana lang you took the message – improve your hygiene and personality, para hindi ka nasasabihang basang ensaymada. 🙂

-^^-

Dear Alice, Olympia, Melba Rose, and others (I forgot yung “code” names nyo, ayaw ko naman isulat name nyo dito),

I miss you guys!!! Ang saya saya nung ating barkada noon. And we explored kabaklaan all together. We grew up together! And hindi ko alam bakit wala na tayong communication at all. We were the best of friends! We should be talking, and updating ourselves about our lives! Nag-asawa ako, pero that doesn’t change who I am. Miss ko na ang ating tawanan, warlahan, overnights, road trips, rampahan. Who else could have given me that classic moment, when binato ni Olympia si Melba Rose ng piso?? Instant classic ever! I wish we could all hang out together, even once, and be our fun selves again, walang inhibitions. You all made me who I am today. Sabi nga sa Wicked, Who can say if I’ve been changed for the better? But because I knew you, I have been changed for good… Miss you guys!!!

-^^-

More unsent letters to come.. Ico-compile ko lang. Saucy!

Create a free website or blog at WordPress.com.