Wicked Wicked Wicked

January 20, 2010

It’s ALIIIVVVVVEEEEE !!!!

Filed under: Kafufuan Galore — Antz @ 4:39 pm

Halu mga pipolitas! Yeeezzzzz, I’m back from Hades, where I looked upon Tartarus, dramang ala-Percy Jackson ang inistaran ng lola mo.😉

Ewan ko ba, life overtook writing! Jusmeo hindi ako makapaniwala 2008 2007 pa ang last post *hinimatay* !!  Wiz ko maimajin na zero posts ako nung 2009!

Well, keri on! Anuvah ang updates, think think think …

– Syempre, ni-friend ko na si McDreamy pati sa facebook! Mejo nasaksak lang ang aking sacred heart seeing him with his happy family, at may iba pang mega PDA sila ng wifey .. Mas maganda naman ako sa Medusang yun!😛

– Syempre babad pa rin ako sa aking tahanan. Super sight lang sa street, sa snow, sa bare trees. Friend ko na nga ang isang squirrel I think …

– I think finally I am settling into some semblance of peace with myself and my situation. Sabi nga ni St. Jonathan Larson: forget regret, or life is yours to miss! (Cue na yan para mag-concert, mga sis!! No other road, no other way – no day but today!) I love my kids, relationship with better half needs to be worked on daily (alin bang relationship ang di kailangan alagaan divah?), work pays.  Lucky Me ang lola nyo, all things considered!

– That doesn’t mean di ako nagsa-sightseeing no!! Anech akech, tuod? Gosh, ang dami pa ding guash sa mundo!! Look, but don’t touch (and taste!) ang drama ng lola mo.

O sya, I’ll try to update this as much as I can – gawin ko iyang isa sa aking mga resolutions…

Babushka! And signing off from somewhere in the Northeast …

October 13, 2007

friendster

Filed under: Uncategorized — Antz @ 11:02 pm

Wiz ko knows kung ang Friendster ay isang biyaya o isang sumpa. Kasi syempre, like all desperate housewives, mega check ko ever ang profile ni Mr. McDreamy divah, at wag ka! Meron syang profile! Akala ko kaze na wala sya masyadong cares sa mga ganitech na friendster-friendsteran. Kaso imberns ang lola nyo dahil syempre naka-private ang profile! Alam atang meron syang stalkera for the last 12 years! My gulay, has it really been that long?? Twelve years ??? Pero heto ako’t lagi pa rin syang laman ng aking (wet) dreams. Ahihihih!!! Joke!!! Hindi naman wet, pero totoo, hanggang ngayon napapanaginipan ko pa rin ang lolo nyo. At ang dreams ko eh yung tipong finally he comes around, and gusto na nyang friendly friends ng lola nyong tarush at tenth floor ang kilay. Last night, ang dream ko eh syempreng dalaga pa talaga akez, at sya naman eh talagang mega-plano ng trip out of town kaming dalawa lang habang winter dito sa US. Di vah?? Winter, kasagsagan ng lamig, at kaming dalawa lang sa tipong cabin in the woods?? Wish ko lang…

Ayaw ko na ata sa friendster, baka bigla kong ma-hit ang “Send a message” o kaya eh “Request to be friends” na link, at mabuko na hanggang sa friendster eh sinusundan ko pa sya. Wiz ko nga knows if knows pa nya ako, o pinilit talagang kalimutan na. Pag kinalimutan nya ako, subukan lang nya!! Kuko lang nya ang walang pasa (o chikinini.. eeewww!!!) pag nagkataon!!!

What do you think? Friendsterin ko ba (knowing na ako eh may asawa na and stuff, and he knows my past with him – which is bading na obssessed sa kanya)???

Help!!!!

Powered by ScribeFire.

October 11, 2007

sorry

Filed under: Uncategorized — Antz @ 10:04 pm

my gulay.. it’s been so long since my last blog, and sa dami ng time na yun, may mga nag-comment sa blog ko. akala ko walang nagbabasa neto. kasi naman, ang una kong objective neto eh for selish reasons – gusto ko lang ng outlet. yun pala may iba ring interesado sa akin, o nasa parehong sitwasyon at naghahanap ng kapwa.

i’m sorry if i haven’t been updating this blog as much as i should. kasi divah, patago nga itu. eh lately di ako pwede mag-work from my pc, kasi iisa ang pc namin ni kumander, davah.. so baka mega buking akez. pero just you wait, i WILL find a way. because this is something special for me. and i hope as you get to “know” me, it will also be the same for you.

again, thanks for all your words of support.

carry on!!

Powered by ScribeFire.

July 27, 2007

Darth Vader itu!

Filed under: Uncategorized — Antz @ 2:09 pm

Madaming mega ask (oo as in madami, care nyo ba kung ilan.. hehehe..) why ako nagpa-carry over to the dark side. As in why ako tumikim ng poison, why ako nagpakasal sa mga kalaban. In short, kung blue blooded girl ako, bakit ako nagpaka-lesbyana at na-in love sa isang girlalu.

Well well well noelle, hindi itu madaling topic. Wala akong single reason why. Subukan ko, and all I can come up iz – na-in luv ang lola mo. Wirizima ko knows why, but nung na-meet ko itung girlalu, I really felt  I wanna be with her, not just yung tipong bading-girlfriend kinda way. Eh dagdagan mo pa na wa sya cares kung mega-pilantik ang mga pinkies ng lola mo. Mega-date date lang kami. Syempre, habang lumalalim ang relationship, davah dapat dumating yung point na prankahan na! So mega-amin akez ng aking past (and future? ahihihi! spank me!) life, and although nag-ala Enteng Kabisote (as in we butingting everything) ang lola ko for some time, eventually oks na sa kanya. O di ba, wa sya cares what I did before? Na-touch akez. Eto pa. Mejo ilang taon na din kami un, dumating itong boylet sa aking buhay. Nasa kanya lahat ng hinahanap ko sa boylet. Girlalu din sya, pero tulad kong discreet. Hindi closetta ha, discreet. Cute, may utak naman, may kinabukasan. In short, winner talaga. Eh na-feel kong type din nya ako. Grabe, wiz mo gusto malaman ang pinag-daanan kong emotional turmoil. Knows naman ni boylet ang aking situation, pero I told him I was willing to give up my relationship for him. Dito lumabas ang breeding ng boylet ko. Sabi nya ayaw nyang dahil sa kanya eh masira lahat ng ni-build ko with my GF. Alam naman daw nya na loves ko ang girl (to which I thought, semi-devilishly, eh kaya nga willing ako i-give up davah?? Di mo ba gets??), and mdami na kami pinagdaanan ni GF. Pero mega-semi-break pa rin ako kay GF. Mga ilang days/weeks ata yun. And ang mga BFF ni GF, na knows how bait I am, told my GF na seryoso na itu. Na hindi ako basta basta break without a serious reason. Pero habang break kami ni GF, wiz naman ako go out into the sunset holding hands with my boylet. Wiz. I just wanted time to sort things out. Yakapin ang pagkabading through and through, or kaya ko bang bading pero may GF? At one point, I thought if I went for GF, dine-deny ko ang aking sarili. But, eventually, I thought, hindi ko dine-deny ang aking sarili. I am just following my heart, da vah? I can be bading, but in love with a girl. And not having boylets is the same as kung may BF ako, and not having other boylets on the side, davah? It’s called fidelity, I believe.

So, mega-emotional usap kami nun ni GF, and I told her everything as in everything. Na bading akez, and I can’t change that. But I promise na I won’t act on it, meaning pag kami, watashing monkey business. Sya lang ang aking partner for life. And that’s all she wanted.  And I respect her for that, especially pinaglaban nya akez sa family nya, who at one point, told her face to face na bading ang BF nya. Ang saket, davah? Pero pinaglaban nya yun. Tingnan mo naman, vindicated ang lola mo. She has the most comfortable life sa ngayon among her mga shopatids. And magaganda ever ang mga junakis namin (who, contrary to what you might think, I won’t groom to be Ms. U). And I’m happy (except, as some of you might know from past posts, dumadating lang yung time of self-doubt, and kati. hahahaha!). I really am.

I think I see now vhakit nagpa-dark side si Anakin Skywalker.

June 13, 2007

Book 2

Filed under: Reviews — Antz @ 1:34 pm

Shala di ba.. nakatapos na agad ako ng isa pang book? Actually, siguro ito eh one week or two weeks after I finished yung A Thousand Splendid Suns. This time, I got the previous Oprah’s Book Club choice, ang The Road.

Ang masasabi ko lang ay fabulous! Kung gaano ka-thick and saucy and melodramatic ang plot nung Suns, eh sya namang hmmm… what’s the word.. spartan netong The Road.

Basically, it’s a father and son’s story of survival. I think nasa USA sila, kasi nag-e-English sila. Hahaha! And I think it’s been years after ni-nuclear attack ang buong mundo. Di naman sinabing may nuclear attack, pero everything is destroyed, burned, gray, and puro ash, as in ash ketchup of pokemon fame. At first, mejo hirap i-absorb ng lola mo. I just can’t sink my teeth into it, kasi mega-description ever ng all the grayness and sadness and foolishness ever of the place. And napaka-austere ng usapan ng mag-ama. Alam mo lang na gutom sila, they’re trying to go somewhere, and umiiwas sila from bad people, kasi madami nang cannibals, dahil wala nang resources. Pero as I went on, absorbing itekla! Talagang the author pounds you with all the grayness and ashes and darkness and winter, and slowly, nararamdaman mo na, and you appreciate what they are going through. It’s such a dark and dangerous place, bingo talaga pag nakakita sila ng konting makakain. And one time na they stumbled upon something that’s almost too good to be true, literally sinara ko ang libro to take a breath. Natakot atashi baka biglang may masamang mangyari sa kanila, like may makakita sa kanilang group of cannibals just when they had some good fortune. Anyway, in the end, kahit with all the sadness around, it’s beautiful. It’s nothing grandiose, pero sweeping ever ang story. It’s such a personal story, hindi na kailangan ng maaksyong labanan ever. You just feel for the characters.

At kakaiba ang style of writing. Walang quote-unquote for dialogues. Wala mang names ang character, save for one stranger. Ely ang pangalan ng lolo. At I think 4 or 5 pages lang sya umappear. All other else, waek talagang names. And sa totoo lang, in that scenario, who needs names? They just need food, clothing, warmth.

The Road is one of the more memorable books I have ever read. It may be dark all through out, pero di va, kung walang darkness, di mo ma-appreciate ang light. It’s about survival, strength, trust, but ultimately, love. And in the end, that’s all that matters most. Kaya ugly man ang setting, ultimately it is a beautiful story.

5 out of 5.

Powered by ScribeFire.

Book 1

Filed under: Reviews — Antz @ 1:16 pm

O di ba.. feeling intellectual na akez. Mag-a-attempt ang lola mo na mag-review ng book. Yes, mama, book worm ako. Nagsimula sa Nancy Drew habang naka-squat sa … ay basta, enough nang malaman nyong nagsimula sa Nancy Drew ang aking pagbabasa. Ewan ko ba na bakit kahit semi-dukha kami nung aking kabataan, madami laging libro sa bahay. Wag ka, binasa ko ang poems ni Robert Frost at ni Edgar Allan Poe, at! huwag ka mama, nage-getlaks ko! I actually read the Edgar Allan Poe book multiple times, parang the big-O, multiples! Hahaha!

Anyway, recently I finished reading A Thousand Splendid Suns by Khaled Hosseini. Natapos ko ata in three nights! Ugali ko kasi eh magbasa before matulog, kasi bizi ako pag may araw. Eh kaso, usually kung ano yung mga huling eksena before ako matulog, yun napapanaginipan ko. Kaya siguro mabilis ko natapos. Naman kase noh! Subukan mo kayang mapanaginipan ang Afghanistan! Ngarag ever di ba?

Anyway, I loved Hosseini’s Kite Runner, that’s why I bought this one. And as with anything that’s second, it will always be compared to the first. Although feeling ko unfair yun, sobrang pressure sa writer. Anyway, I thought hindi naman sya big time pumalya. I dunno.. Feeling ko mejo soap operatic yung Kite Runner, tapos tumodo pa lalo dito sa bagong book.

Summary kasi, etong si Mariam, eh anak ng isang mayamang Afghan sa isa nyang longkatuts. Eh to save face and stuff (apparently, big deal ang saving face sa mga Afghans), pinalayas sila nung iba pang tunay na wives ni luluki. Pero binigyan naman sila ng bahay. Kubo, sa totoo lang, and talagang iniluklok sila sa pinaka-baryong lugar ng baryo. Davah, shades of pinoy soap opera? In furrnez, mega-visit naman ang pudra ni Mariam, pero galit si mudra kay pudra, hinahayaan lang na bumisita si pudra kasi likeable sya ni Mariam. Mayaman si pudraks, may-ari ng sinehan, pero when Mariam asks kung pwede sya manood, witchelles pumayag ang pudra, kasi afraid syang ma-sightsung ng ibang utawbelles si Mariam, and alam ng mga utaws na anakis sya on the outside. Anyway hi-way by the way, nung malaki (as in 17?) na si Mariam, birthday nya, lakas-loob na mega-sugod si ate sa bahay ni pudra sa syudad, kasehodang mega-appeals ever si mudra. Pagdating sa syudad, witchelles sya pinapasok ng guard, kahit pa overmegadrama sya sa gates, and kahit na-sightsung nya si pudra panandalian sa windows na nakita sya. Heartbroken si ate, kaya umuwi, pagdating nya, naka-hang as in bigti ever si mudra.

Ay teka ano ba, ikuwento daw ba.. Basahin nyo kaya? Basta, what happened is pinakasal sya sa isang tanderakang balasubas na pinagsuot sya ng burqa at ginawang palipasan ng aliw. Kaso, nung witchelles sya magkaanak, hayun, ginawang longka. Fast forward, at may kapitbahay silang bata na si Laila. May BF si Laila, si Tariq. Kasagsagan ata nun ng labanan ng war lords ng Afghanistan, at nag-migrate ever si Tariq. Lungkot si lola, kaso ayaw umalis ng mudra. In the long run, amidst all the fabulous bombings, gora na daw sila. Eh kaso, ganda ng lola, nung nag-e-empake na sila, nabomba ang bahay nila. In short, witchelles syang mga kamag-anak na natira, so off to the rescue na naman si tanderaka, at pinakasalan si Laila. War ang dalawang gerlash, Mariam vs. Laila. Pero in the end, BFF na sila, as in best friends for life.

Madami pang plot details ha, di ko na lang mega-explore. Mejo hayun nga, melodramatic ang plot, pero mahusay magsulat ang author! Mararamdaman mo ang details, and vivid ang pagkaka-describe nya sa Afghanistan, and malalaman mo ang history about why ganun ang kalagayan nila ngayon, from the Russian occupation to the Talibans and everything in between. Nag-enjoy ako, kaya nga natapos ko agad eh. And ma-a-appreciate mo how lucky you are, and in furrnezz, I think medyo totoo yung pagkaka-describe nya ng plight ng Afghan women, so whenever may konting problema, just think about them, gagaan ang loob mo, as in you’ll be thankful.

4 stars out of 5. Signing off!

Powered by ScribeFire.

April 26, 2007

tatay-ness

Filed under: Uncategorized — Antz @ 9:22 pm

ang hirap maging tatay. lalo na siguro sa sitwasyon kong andaming what-if’s.

syempre, stressed sa office, tapos since wala namang katulong, pag-uwi sa bahay, mega-asikaso pa din ng chores. plus spend quality time with your kids. and then, makakatanggap ka from time to time ng tawag na para kang ombudsman na tagatanggap ng reklamo, dahil yung asawa mo suko na sa mga anak mo. in furrnezz, nakakapagod din ang routine. masaya ang may inuuwiang anak at asawa. pero minsan, parang nao-overpower na ng daily grind.

especially since at the back of my mind, andaming could’ve beens. i could’ve been single and gay. akin ang oras ko, akin ang moolah ko. matutulungan ko ang mga gusto kong tulungan (shades of Pooh ba nagpapaaral ng mga boys? ahihihi!), mabibili ko ang gusto kong mabili. pwedeng magpakamot at mangamot, you only have to answer to yourself (and sa konsensya mo).

minsan (at dumadalas), napapa-isip ako. masakit aminin, pero naiisip ko if I made a mistake. dapat bang sinige-sige ko na at niyakap ang aking pagkabading at nagpaka-single for life na lang? but there’s too many happy times para magsisi ako. meron lang talagang times i feel so overwhelmed. and those are the times na parang gusto kong bumalik ng time, and change everything. gusto ko nang sumuko, sumigaw, lumayas, magmukmok, umiyak. Just once, gusto ko uling umikot ang mundo ko around me.

Pero may mga bata pang kailangang bantayan, mga boteng dapat linisin, mga kalat na dapat ligpitin, at mga damit na dapat labahan.

Saka na…

April 23, 2007

suko.. o subo?

Filed under: Uncategorized — Antz @ 4:34 pm

kwit kwitty kwittelya na ako… huhuhuhu..

punyeta, hindi ko na kaya!! ang gwapo talaga ni papa!! hindi ko na matiis!! dapat lagi nang may ready na panyo, sa laway kong laging tumutulo..

wait, rewind rewind rewind.. knowz ko na di nyo ma-getz! aru!

kasi naman, eh di new office, new people ang drama ko. maliit lang na kumpanya ito, well, at least dito sa office nila sa US. Siguro more or less 20 people. And karamihan puti, pero meron ding mga hindi maiiwasan na bumbeys, alam mo na, I.T. eh. Pero hayun na nga, karamihan puti. And yung isang puti, puting ina!!! Napapamura talaga ako. Hindi naman overpowering ang kanyang face value, pero cute din naman talaga. Tipong hindi lang mailalaban sa tipong Brad Pitt kung face value lang. Pero dahil athlete sya noong college (sa pag-Google ko nalaman itu!), and malamang continue sya sa paglalaro until this time and age, jusko, umaapaw ang sex appeal!! Lalaking lalaki ang bulas, ang ganda ganda ng tayo and pangangatawan.
 Tapos, syempre finally umiinit na dito sa US, so wala nang mga sweaters and cardigans and stuff, so pwede na polo-shirt lang. Pukpukelya, ang isuot ba naman eh yung mejo humahapit na polo shirt. Pag ako namatay at ma-reincarnate, gusto kong maing polo shirt. O briefs. Yakap (o pasan? Ahihihi!) ko ang mundo!!! Tapos naka-slacks, so hubog na hubog ang wetpaks, tapos ang ganda ng laglag ng pants. Tapos matangkad pa. Oh my gulay. Im going crazy. Call this kabaklaang walang kakwentang kwentang blog entry, pero I need to get this out of my system! Di ako makapagtrabaho. Gusto ko lang trabahuhin!!! GRRRRR!!!

Help!! I need some serious help!! Testosterone help!

April 11, 2007

skeyri!

Filed under: Uncategorized — Antz @ 7:02 pm

kaines!! watashiwa anato aishtemasu ko naman alam bakit ang LSS ko (last song syndrome for you, vhekles!) eh ang calssic at di mapantayang multong bakla. dahil ba ako’y bakla? wiz.. ganda ng logic.

(singit. bigla akong napakislot, lapitan daw ba ako ng bos kong puti! syempre amfanget na mega-immediate hide o minimize ako ng screen, lalong magdududa na may ginagawa akong kababalaghan, so dedma nang nakikita nya ang tina-type ko. mejo unnerving pa rin to have someone na nagbabasa ng blog mo na sinisigaw na bakla ka, although alam ko witchelles nyang naiintindihan. okie, keri on)

anywez, kung anik anik tuloy ang mga kamuni-kumuning mga pagmumuni ang pumasok sa aking isipan, umiikot sa konsepto ng multong bakla. o da vah? napaka-intellectually stimulating ng topic?

sino ang may sagot sa: ang multong bakla ba, ang unfinished business eh may koneksyon sa kanyang kabaklaan? ang haunting bang ginagawa nya eh bigla na lang may lilitaw na baklang nakaluhod/nakatuwad sa harap ng isang lalaki? hayok pa rin kaya sila sa hada? humahada ba sila ng kapwa multo?

tapos, bigla kong naisip, parang ang saya maging multong bakla. silipan ko ang mga menchung delicious, parang si moaning myrtle, di ba nasilipan na nya si danielle radcliffe? sumasarap ang batang iyon ah. ahihihi! tapos iha-haunt ko si mcdreamy. hindi yung nakakatakot na haunting, kundi yung haunting na hahanap-hanapin nya. isipin mo, ang saya di ba pag out of nowhere, bigla na lang may hahada sa iyo. it’s the best feeling ever! at hindi ko pa kailangan i-reveal sarili ko di ba? tapos ako susundo sa kanya pag dedbol na din sya. ahahahaha! ano ba! ito ba ang aking thoughts on mortality? ang chipalette! hindi pang-all time greats! pano pa ako magiging isang literary luminary, tulad ng pinapangarap ko? nais kong dalhin ang salitang baklush sa isang pdestal, ka-liga ng ingles, kastila, latin. ahahahaha! jusko, mamamatay akong baliw. ngayon pa lang baliw na ako. pero mas baliw ang taong nagbabasa ng mga laman ng isip ng isang baliw. keri? keri!

April 5, 2007

na-me-memories ako

Filed under: Uncategorized — Antz @ 7:23 pm

anuva.. bakit ko ba palagi pa ring napapanaginipan si McDreamy? Hello, high school pa yun! First love never dies ba talaga? Ang tanong, ‘neng, eh, love nga ba talaga yun? Habang may I look back ako, natatawa na lang ako sa mga kapukelyahang pinaggagagawa ko. Nandyan yung puntahan daw ba sya sa bahay nung birthday nya, na warizima naman akeng invited. Ahihihi! Ang chipangga ever!! Andyan din na give ever ako ng mga librong ginamit ko na nakatulong sa akin (one year behind sya sa akin), without him asking. Assuming da bah? Yuuuck! Nahihiya ako, teka, lulunukin ko muna ang hiya.. Give me a moment..

Eeeennnniiiiweyyyzzz, ayun na nga. Somebody answer me. Bakit di ko sya ma-get over with? Hayyy… Kahit ilang beses ko nang nise-self therapy ang aking sarili through a 24/7 playing of I Remember The Boy ni Ate Lea, wah effect. I remember the boy, and I still remember the feeling anymore. Ampanget ng English! Ahihihi..

Pero seriously.. I need to get him out of my system. I can’t pretend to be 100% happy, pero andami dami kong dapat ipagpasalamat, and andami-daming swerte and source of happiness na dumadating sa buhay. Can it be true na sya lang makapagbibigay ng true happiness? Wazingerzie! Baka naman mga what if what if lang ito, and umaasa akong kung naging kami man eh happy nga talaga kami. I try to imagine na kung naging kami, baka lalo lang akong maging jaded. Baka tamad sya, milkman, abusive dahil patay na patay ako sa kanya, and stuff. My golly, there was even a time na literally willing ako i-give up ang buhay ko for him. Drama queen ever talaga.

Hayyy… sa ngayon, let Lea sing on, baka ma-convince ako pag talagang hindi ko tinantanan na i-play ang kanyang kanta…

Older Posts »

Create a free website or blog at WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.